Wednesday, April 14, 2010

Isang Kwentong UP

Isang araw na ala akong magawa sa bahay, bumalik ako sa mahal kong UP Diliman para bumisita't makaalala.

Sumakay ako ng dyip na madalas ko ding sakyan papasok ng campus dati. Umupo ako sa harapan, sa tabi ng driver, ang paborito kong pwesto para magmunimuni.

Pansin kong tuyo nga pala ang damo sa Sunken Garden ng Marso hanggang unang patak ng ulan ng Mayo. Naalala ko bigla ang ROTC, at ang mga kasama ko sa Charlie Infantry na hinimatay sa tindi ng init ng araw habang paulit ulit kaming nagmamartsa sa ibabaw ng maalikabok na damo. At pagpatak ng Agosto, ang combat boots naming bagong biton na isasabak lang sa putikan, at ang "rip-stop" na fatigue uniform na basa hanggang loob dahil sa buhos ng ulan.

Dumaan ako sa Main Library, at umupo sa Lib Steps na kelan lang e tambayan naming barkada kapag hapon (at madaling araw pag cramming ng exams). Pansin ko nawala na ang vendo machine ng kape sa tabi ng poste, na nagsilbing murang Starbucks sa madaming puyatan at kwentuhan sa liwanag ng gabi.

Pansin kong iba na din ang itsura ng side walk, brick na pula na ito na may pa-alon na berdeng semento sa gilid. Sa berdeng semento'y listahan ng pangalan ng nagambag para ito matapos.
At mga asul na paalala kung san dapat tumawid at sumakay. At san dapat lumakad at mag-bike.










May nagde-date padin sa paligid ng sunken. Mapa-babae't lalaki man...
...o parehong lalaki.

May bike rental na din pala ang campus. UP Padyak ata ang tawag (base sa nakasulat sa gulong ng bisekleta). Magandang ideya na may bicycle lane na din at istriktong pinapatupad. Kalahati ng kalsada ang hindi pwedeng daanan ng jeep. Nakakita ako ng dalawang freshie, may mga librong nakalagay sa basket sa harapan ng bisikleta. Natuwa ako sa kanila, at naisip na sana may ganito na din nung mga taong nasa campus pa ako.
Pero may mga bagay pa din na hindi nagbabago. Nagkalat pa din ang mga protesta laban kay Chancellor Roman...

...at kay Gloria. Hiring padin naman pala ang NPA!











Dilaw pa din at pareho ang ruta ng Ikot...
singkwenta sentimos padin ang Xerox sa SC...

may Spamsilog pa din ang Rodic's,

at lab equipment...











sa tapat ng antigeng Campus Pharmacy (cheap version namin ng Mercury Drug!).

Binalikan ko din ang mga lugar na espesyal sa akin. Ang Melchor Hall na naging haligi ng karunungan (at kalokohan) sa limang taon kong pamamalagi...

at makalumang laboratoryong pangkemika na mas matanda pa sa akin.


Ang Kalye Bernardo, kung san umikot ang mundo ko pagkagaling sa eskwela...
at Molave, kung saan ako unang natutong umibig.
Pero ang aking sadya, sa buong lakad na to...

...ay eto! Ang UP hoodie na malaGAP designed, pero di sing mahal. Nang makita ko palang sa katalog, sinabi kong hindi ko ito palalampasin. Kinabukasan din, sumakay ako ng dyip para bilhin.
At napangiti ng mabili't maisukat. Naalala ko bigla, nung estudyante pa ako, na hindi ko malamang kayang bilhin ang hoodie na itong presyo ng isang linggo kong allowance. Natuwa ako, dahil ngayon ay kaya ko nang iwaldas ang pera kong pinaghirapan para sa mga bagay na hindi naman importante pero gusto kong bilhin.

Sumakay ulit ako ng dyip pauwi. Papunta sa direksyon ng mall sa dulo ng MRT. Naisip kong bumalik paulit ulit para maka alala at gumawa pa ng mabababaw pero aliw na kwentong UP.

12 comments:

  • Anonymous says:
    April 14, 2010 at 6:39 PM

    dami ko pa pala dapat makita sa UPD. Nice post again at tagalog talaga ha hehe

  • Peter says:
    April 15, 2010 at 12:55 AM

    Saan ba mabibili ang UP hoodie? Thanks for the tip.

  • TianTianTian says:
    April 15, 2010 at 1:19 AM

    Mr anonymous, thanks! :)
    Peter, UP Shopping Center po.

  • Peter says:
    April 15, 2010 at 2:53 AM

    Much thanks. Will rush there now -- baka maubusan. hehehe. Is that it on the photo, on you?

  • Jepoy Dacuycoy says:
    April 15, 2010 at 4:46 PM

    sobrang memorable sa akin ang UP Diliman kahit hindi ako dyan nag-aral. kahit papaano eh napasok ko naman ang mga silid nyan dahil sa ialng mga kaibigang nag-aral diyan. pinagmamalaki ko rin isang ISKA ang aking kapatid. nakapag-UPCAT din naman ako at nakakain ng sikat na isaw. nakatuntong at nakapasok sa Bahay ng Alumni kung san makikita ang Choc Kiss na resaturant. malapit lang kasi sa bahay ang UP, isang sakay lang ng dyip :P

    late entry na ito kuya tian. diba nung last week of march ka pa nag UP? :)

  • Galen says:
    April 15, 2010 at 8:21 PM

    Aww mahal mo talaga ang iyong paaralan ha? Angsama ko tuloy, parang wala akong utang na loob sa unibersidad na kumupkop sa akin. :(

  • TianTianTian says:
    April 16, 2010 at 4:53 AM

    jepoy..yeah late entry na nga. better late than never sabi nga. :)
    galen..haha hindi naman mashado. masarap lang alalahanin ung nakaraan.

  • wanderingcommuter says:
    April 16, 2010 at 4:02 PM

    anong batch mo nga ulit kuya? nyahahaha!
    -ewik

  • jamie da vinci! says:
    April 16, 2010 at 4:17 PM

    buti pa kayo... malaki yung campus, daming nakikikita, masarap magpawala, especially during times when you just want to feel lost (sorry, my TAGALOG vault got depleted fast). GOOD LUCK sa amin, u can walk the entire perimeter in less that 20 mins. MINI-UP daw kami, owwws, they were'nt kidding when they said MINI. ahahahahahaha!

  • TianTianTian says:
    April 16, 2010 at 7:30 PM

    Ewik: kuya ka dyan! :p 96 student number ko. Compute mo nalang. :p
    Jamie: mini UP, parang Mini Stop? Nyahh corny ko. :p

  • Anonymous says:
    April 16, 2010 at 10:14 PM

    sama 'pag babalik ka UP. ka-miss! hehe

    -mac

  • TianTianTian says:
    April 17, 2010 at 3:07 AM

    Sige Mac, dalaw tayong BA.

Post a Comment